Kaninang hapon, nakatanggap ako ng
1 missed call galing sa cousin (guy) ng ex ko. Hindi ko nasagot kasi tulog ako nung mga oras na yun, gabi ko na check. Kinakamusta nya kame. I texted him "
Sinong kame?" ang sagot nya saken, "
Eh di kayo ng insan mo, ano ka ba." Err. Adik din itong cousin ng ex ko, mukhang may memory gap. Samantalang sinabi ko sa kanya noon pa na wala na kame. Tapos ayun, after a few minutes, tumawag bigla sya. Kung may boyfriend na daw ba ako ngayon, na andun daw yung Ate nya sa bahay, umuwi galing Singapore dapat daw pumunta ako, dapat daw pinuntahan ko si ex at sabihin na patawarin na nya ako. Hay nako ah! Sabi ko,
Ano ka?! Ayoko nga.
Kung alam lang nya, pumunta ako noon sa bahay ng ex ko nung birthday ng pamangkin nya kasi nga ininvite ako noon ng parents nya. Hindi ko lang talaga makalimutan ung nangyari, kasi para lang akong
invisible noon, dinadaan nya lang. Kaya nga yung Papa nya, sabi saken, kung baket daw kame di nag iimikan, baka daw kulang lang si ex (anak nya) ng lambing.
Sabi ko sa pinsan nya nung magkausap kame,
ayoko muna mag boyfriend, mas marami pang dapat asikasuhin at mas problemahin. Hehe. Tapos sabi nya, baket daw todo todo daw ba ako nasaktan at may pahabol pang word na "
Joke!". Sa isip ko?
Adik to ah!! Tapos ayun, sabi ko pareho kamo kame nasaktan. Eh malamang,
natapakan ko ung pride nung mokong na un, kaya ganun nalang.
Labels: blahs, ex, lovelife
3 Comments