Time check!
7:28am na dito sa laptop ko. Nahirapan talaga ako lately matulog. Palibhasa kasi sira na yung oras ng pagtulog ko, minsan nakakatulog ako ng hapon at ang gising ko ay mga between 7pm-9pm, o kaya naman matutulog nakatulog ako ng hapon, tapos matutulog ako mga 11pm (after
PBB UnliNight). Lols. Then, magigising ako bigla past 1am. Kainis, pag nagising pa mandin ako, hirap nako nyan makatulog. Katulad kagabi, medyo maaga ako natulog, pero dahil bigla akong nagising kasi naiihi na pala ako, bumangon ako. Haha! Then bigla akong tinawag ni
Ate para sabihin na iiscan ko daw ung document na need ni Papa at isend daw sa kanyang e-mail, importante kasi. Kaya naman ayun na, di na ako inantok kaya eto ngayon, gumawa ako ng bagong blog at tinatype 'to.
Baliktad talaga, kung kelan dun masarap matulog dahil maulan, eto naman ako at hyper sa harap ng laptop. =/
Labels: insomnia, pbb unlinight
0 Comments